Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong walong kilometro Hilagang-Silangan ng Pagudpud.
May lalim itong 15 kilometro.
Naitala ang instrumental Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Samantala, alas-5:04 naman nang yanigin ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Southern Leyte.
Ang episentro ng lindol ay sa layong limang kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Hinunangan.
May lalim itong isang kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Hinungan.
Tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol na hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang mga aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES