3 timbog sa buy bust sa Quezon City

Arestado ang tatlo katao sa isinagawang buy bust operation ng Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Pasong Tamo.

Nakatanggap ng sumbong ang baranggay ukol sa nagaganap na kalakalan ng droga sa isang bahay sa Durian Street.

Positibong nabilhan ng droga ang isang habal-habal driver na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto habang timbog din ang dalawa niyang kasamahan.

Nakuha mula sa tatlo ang 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu habang may mga drug paraphernalia pa na nakuha sa bahay.

Itinanggi ng isa sa mga suspek na sangkot siya sa droga at napadaan lamang siya sa bahay matapos makipagbirthday.

Mahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...