Military strikes isinasagawa vs Hamas matapos ang rocket attack

AP photo

Nagsagawa na ang Israeli military ng mga operasyon upang pulbusin ang Hamas militants sa Gaza matapos ang rocket attack na tumama sa Mishmeret.

Sugatan ang pito katao dahil sa nasabing insidente kabilang ang isang sanggol at tatlong gulang na bata.

Inaakusahan ng gobyerno ang Hamas na nasa likod ng pag-atake.

Mariing kinondena ni Prime Minister Benhamin Netanyahu ang rocket attack at sinabing hindi niya ito palalampasin.

Dahil dito nagpasya ang opisyal na uuwi agad ng Israel at hindi na tatapusin ang kanyang US visit.

Wala pang detalye tungkol sa isinasagawang pag-atake ng militar kontra sa mga militante pero kabilaan ang pagsabog na naririnig sa western at southern Gaza.

Read more...