Ayon kay MWSS administrator Reynaldo Velasco, nagpadala na sila ng pormal na rekomendasyon sa PAGASA at Bureau of Soils and Water Management para sa cloud seeding upang maiwasan ang patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa dam.
Isa umano sa mga iniiwasan ay ang sisihan kaya dapat isagawa na ang cloud seeding.
Ayon pa kay Velasco, hindi siya kumportable sa 180 meters at dapat ay hindi bumaba ang antas ng tubig sa 190 meters lalo’t nararanasan ang El Niño.
Iginiit ng MWSS official na hindi lamang Metro Manila ang nakikinabang sa tubig mula sa Angat Dam dahil kailangan din ito para sa irigasyon at power generation.
Ang 96 percent ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila ay isinusuplay ng Angat Dam.
Matatandaang nagbabala ang PAGASA na posibleng sa katapusan ng Abril ay maabot na ng Angat Dam ang critical level o 180-meter mark.
Sa ngayon ay nasa 195 meters ang tubig sa dam, mas mababa ng higit 16 meters sa normal high level na 212 meters.