DTI: Presyo ng bigas inaasahang babagsak sa P30-P32

Inaasahang bababa sa P30 hanggang P32 ang presyo ng kada kilo ng well-milled rice sa mga susunod na buwan ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Paliwanag ni Trade Industry Sec. Ramon Lopez, mararamdaman ang pagbaba sa presyo kapag dumating na ang mga inangkat na bigas sa ilalim ng rice tarrification law.

Darami kasi ang suplay dahilan para bumaba naman ang presyo.

Mula P44 pesos ay babagsak ang presyo ng bigas at ayon kay Lopez kapag full-blown na ang importation ay mayroon ng P30 per kilo.

Dahil sa rice tarrification law, inaasaahan ng gobyerno ang P10 bilyon na dagdag-kita sa taripa na magagamit para ipantulong sa mga lokal na magsasaka.

Giit ni Lopez, kapag binigyan ng makina at seeds ang mga magsasaka ay mapapababa ang kanilang gastos.

Ang rice tarrification law ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layon ng batas na tanggalin ang limitasyon sa pag-aangkat ng bigas kasabay ng pagpapataw ng taripa sa imported na bigas.

Read more...