WATCH: 2 miyembro ng bandang Siakol, nagsuntukan

Screengrab of Alchen Villanueva FB video

Nauwi sa gulo ang gig ng Pinoy rock band na Siakol matapos magsuntukan ang dalawang miyembro nito.

Sa Facebook video ng netizen na si Alchen Villanueva ay mapapanood na nilapitan at dinuro ng lead vocalist na si Noel Palomo ang bass guitarist na si Wowie Flores.

Pagkatalikod ni Palomo ay sinugod at sinuntok naman siya ni Flores.

Nagkagirian pa ang dalawa pero agad na umawat ang security personnel ng lugar na hindi pinangalanan sa post.

Wala ring malinaw na dahilan ng gulo sa pagitan nina Palomo at Flores.

Pero hindi nagustuhan ng mga fans ang gulo at sinigawan ng boo ang banda.

Dahil nahinto ang performance ng Siakol ay humirit ng refund ang mga dismayadong nanood.

Ang Siakol ang isa sa mga sikat na alternative rock bands noong dekada 90.

Ilan sa mga pumatok nilang kanta ang Lakas Tama, Peksman, Biyaheng Impyerno at Bakit ba.

Read more...