1 patay, 2 naospital sa ammonia leak sa ice plant sa Pagadian

Nasawi ang isang trabahador sa planta ng yelo sa Pagadian City dahil sa ammonia leak.

Kinilala ang biktima na si Jelmar Montesa, 19 anyos.

Lumabas sa imbestigasyon na nangyari ang ammonia leak sa ice plant sa Ramona Fishing Corp.

Dalawa namang kasamahan ni Montesa ang dinala sa ospital matapos mahilo.

Walang ibang detalye ang pulisya kung paano naganap ang ammonia leak.

Nangako naman ang may-ari ng planta ng yelo na sasagutin ang gastos sa libing ni Montesa at pagpapagamot ng 2 pang trabahador.

Read more...