7 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P43M, nakuha sa Catanduanes

Credit: Bicol Police Regional Office

Pitong bloke ng cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P43.1 millon ang nakitang palutang lutang sa karagatang sakop ng Bagamanoc, Catanduanes araw ng Lunes.

Ayon sa pulisya, tatlong mangingisda ang nakakita sa mga bloke ng cocaine na nakalagay sa fishnet container dakong 1:00 ng hapon.

Ang packaging ng mga bloke ay mayroong markings ng dollar sign.

Ang nakitang droga ay tumitimbang ng mahigit 8.6 kilos.

Ibinigay ng mga mangingisda at lokal na opisyal ang mga bloke ng droga sa Bagamanoc Municipal Police Station.

Dadalhin ang mga ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol Region.

Read more...