Cebu nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

Inilagay sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu araw ng Lunes dahil sa pinsala ng El Niño.

Inaprubahan ng provincial council ang rekomendasyon ng local disaster risk reduction and management office matapos mapinsala ang mga pananim sa iba’t ibang bayan dahil sa tagtuyot.

Pinakaapektado ang produksyon ng palay at mais dahil sa kawalan ng sapat na irigasyon.

Pero sa ngayon ay sapat naman ang supply ng potable water sa probinsya.

Una nang sinabi ng Pagasa na makakaranas ng magkakaibang lebel ng tagtuyot ang ilang bahagi ng bansa mula Marso hanggang Hunyo dahil sa epekto ng mahinang El Niño.

Read more...