Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mangungutang lamang ang Pilipinas sa China kung kaya malaya silang makapaglatag ng sariling terms and condition.
Una rito, nababahala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ginawang collateral ng Pilipinas ang natural gas deposits sa reed bank para sa 62 million us dollars na Chinese loan para sa Chico River Irrigation Project.
Ayon kay Panelo, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil makakayanan naman ng pamahalaan na bayaran ang naturang utang.
Kilala aniya ang Pilipinas na maayos na nagbabayad sa mga utang.
Sinabi pa ni Panelo na maaring pumayag ang economic managers ni Pangulong Duterte nag gawing collateral ang reed bank dahil napakaliit na halaga ang utang ng Pilipinas sa China.