CPP-NPA, mauubos sa susunod na 2 taon – Año

Mauubos ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) sa susunod na dalawang taon, ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.|

Aniya, mas makabubuti na lang aniya ang umuwi nang Pilipinas si Joma Sison.

Ito ang naging tugon ng kalihim makaraang magbanta si Sison ng pag- atake sa mga lugar na mahina ang pwersa ng tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Año, dapat umuwi si Sison para malaman ang mga nahuhuling matataas na miyembro ng CPP-NPA ng
Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Read more...