Tatlong miyembro ng CPP-NPA-NDF, arestado sa Laguna – Albayalde

Arestado ang tatlong hinihinalang komunista sa ikinasang operasyon sa Liliw, Laguna.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang mga nahuling komunista na sina Francisco Fernandez, 71-anyos; Cleofe Lagtapon, 66-anyos; at Gee-Ann Perez, 20-anyos.

Sinabi ni Albayalde na nasa kustodiya na ng pulis ang tatlong aktibong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Armny-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Naaresto ng pulisya si NDF consultant Fernandez sa bisa ng inilabas na warrant of arrest sa kasong murder laban sa kaniya.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong armas, tatlong magazine para sa caliber .45 na kargado ng 15 bala, tatlong hand grenade, dalawang sling bag, isang asul na backpack, tatlong cellphone ilang dokumento.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Commissiom on Election (Comelec) Resolution 10429 na konektado sa Omnibus Election Code, Republic Act 10591 o illegal possession of firearms, at Republic Act 9561 o illegal possession of explosives.

Read more...