Ipinaubaya na ng Malacanang sa publiko ang paghuhusga sa moralidad ng mga kandidato sa darating na eleksyon.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa pag-amin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mayroon siyang dalawang asawa at dalawang nobya.
Ayon kay Lacierda, sa huli ang mga botante ang kikilatis sa sinumang kumakandidato sa anumang posisyon national man o lokal.
Ang maganda aniyang gawin ng mga kandidato lalo na sa pagka-pangulo ay ilatag nito ang plataporma nito para malaman ng tao kung saan nito dadalhin ang pilipinas sa susunod na anim na taon.
Ayaw na ring patulan ng Malacanang ang pagmumura ni Duterte habang ipinapaliwanag ang dinanas na mabagal na daloy ng tapiko sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong buwan ng Enero.
Pero naniniwala naman si Lacierda na ang lahat ng mga inaasal ng mga kandidato ay tiyak na makaka-apekto sa desisyon ng mga botante sa susunod na halala sa 2016.