Protesta ng mga motorcycle rider sa “Doble-plaka Law” sinupalpal ng palasyo ng Malakanyang

Walang balak ang palasyo ng Malakanyang na bawiin ang nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na Motorcycle Crime Prevention Act na nag-aatas sa motorcycle riders na maglagay ng malalaki at color coded na plate number sa harap at likod ng motorsiklo.

Ito ay kahit na nagsagawa ng malawakang kilos protesta o unity ride kahapon ang mga motorcycle rider sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mismong si Pangulong Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang tatalima sa bagong batas.

Kilala ang pangulo at si Mayor Sara na mahilig mag-motor.

Ayon kay Panelo, dapat lahat ng Filipino ay tumalima sa bagong batas dahil sa pamamagitan ng paglalagay ng malakaing plaka, makatutulong ito para sa crime prevention at para madaling maispatan ang mga criminal na karaniwang ginagamit ang motorcycle bilang getaway vehicle.

Read more...