PCSO board member Sandra Cam hindi sisibakin ni Pangulong Duterte

Walang balak ang palasyo ng Malakanyang na patulan ang hamon ni Senador Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office Board member Sandra Cam dahil sa kwestyunableng pag-aaring resort sa Masbate na nagkakahalaga ng limangdaang milyong piso.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may nakasampa nang kaso sa Office of the Ombudsman at iniimbestigahan na si Cam.

Hahayaan na aniya ng palasyo ang ombudsman na gampanan na muna ang kanilang tungkulin.

Hindi aniya magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang palasyo dahil sa madodoble lamang ang trabaho.

Read more...