Isang lalaki, arestado sa tangkang pagdukot sa isang bata sa Navotas City

 

Wikipedia map

Naaresto ang isang lalake matapos pagtangkaang dukutin ang isang dalawang taong gulang na batang babae sa Navotas noong linggo.

Ayon sa Navotas City Police, nakita ng isang babae na kinuha at isinakay ng suspek ang bata sa jeep alas-nuebe ng gabi.

Agad itong isinumbong ng nakasaksi at ang ama ng bata sa mga lokal na opisyal na agad naman nilang naaksyunan at nahuli.

Nakilala ang suspek na si Atoy Reyes at agad na dinala ng mga opisyal sa pulisya.

Read more...