Vice Ganda, “Most followed Filipino account” sa Twitter na mayroong 12 million followers

Hawak na ngayon ng Kapamilya Comedian na si Vice Ganda ang pagiging “Most followed Filipino account” sa Twitter.

Ito’y makaraang umabot sa 12 million followers ang kanyang account.

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Vice sa kanyang mga fans.

Nakasaad sa nasabing post ang announcement kalapit ng screengrab ng kanyang Twitter. “Kavogue!!!!! 12 Million followers. ibuuuuuhhhh!!! Budol is real! chozzzzzz,” “Seriously MARAMING SALAMAT PO for making me the most followed Filipino on twitter!!! Hayabayabayu” ani Vice.

Samantala, mangiyak-ngiyak naman si Vice nang bigyan siya ng birthday surprise ng kaibigang si Kris Aquino.

Nagulat siya nang madatnan sa kuwarto ang napakaraming balloons at isang surpresang gift.

Ang nasabing eksena ay ibinahagi ng komedyante sa kanyang IG Story kung saan maririnig ang labis na pagka-gulat nito.

Hindi pa alam ni Vice kung sino ang may pakana ng surpresa hanggang sa basahin niya ang isang card.

Nakasulat sa card ang : “Dear Vice, my naudlot na ASAWA—

“Once upon a time, I needed a rainbow after 1 of my biggest heartaches. Happy Birthday to someone who deserves a lifetime of sunshine. “Love, Kris.”

May kalakip din ito na isa pang card na galing naman sa anak ni Kris na si Bimby kung saan nakasaad ang : “Dear Tito Vice, Because you deserve a whole TEAM! Happy Birthday. I love you for life! Love, Bimby,”

Labis naman ang pasalamat ni Vice sa nasabing regalo.

Read more...