Ayon kay House Senior Deputy Majority Leader at 1-Sagip Rep. Rodante Marcoleta, suportado ng Kamara nila ang federalismo sa bansa sa pamamagitan ng constitutional process.
Paalala ng lider ng Kamara na noong Disyembre ng nakaraang taon ay pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Resolution of Both Houses 15 sa botong 224 na pabor at 22 na hindi at 3 abstention na nag-aamyenda sa konstitusyon para sa pagpapalit ng porma ng gobyerno sa pamamagitan ng federal form.
Giit niya ginawa na ng mga kongresista ang kanilang bahagi sa ilalim ng liderato ni Arroyo para matapos ang panukala at ipinasa na nila ito sa Senado.
Nauna na ring sinabi ni Arroyo na ang panukalang Federalism na isinusulong ng administrasyon ay prayoridad ng mababang kapulungan.
Reaksyon ito ni Marcoleta matapos na magbanta si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari ng giyera kung hindi matutuloy ang Federalismo.