Charter Change, malabo pa sa senado

Kahit ipilit hindi pa rin mangyayari ang pag-amyenda sa Saligang Batas sa ngayon para bigyan daan ang Pederalismo, ayon sa ilang senador.

Sinabi ni Sen. Cynthia Villar na hindi maaring madaliin ang pagbabago sa Konstitusyon.

Pagdidiin pa nito, hindi rin tama na itulak ang Charter Change o Cha Cha para masunod ang kapritso ng isang tao.

Matatandaan na ibinahagi ni Pangulong Duterte, sa pagpupulong nila ni Nur Misuari ay nagbanta ang founding chairman ng MNLF na handa silang mag aklas kundi mangyayari ang pederalismo.

Pagdidiin ng senadora tanging ang Kongreso lang ang maaring magdesisyon kung babaguhin ang Saligang Batas at ito ay dapat sang-ayunan o ibasura ng mamamayan.

Dagdag pa ni Villar para sa kanya ay maayos ang kasalukuyang Konstitusyon.

Halos ganito rin ang posisyon ni Senate President Vicente Sotto III.

Read more...