Pagpapalaya sa suspek sa pagpatay kay Christine Silawan iaapela ng NBI

Aapela ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naging desisyon ng piskalya sa Lapu-Lapu City na palayain ang 17 anyos na suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ayon kay NBI-Central Visayas Director Atty. Tomas Enrile, ihahain nila ang motion for reconsideration matapos sabihin ng Lapu Lapu City prosecutor’s office na walang warrant of arrest nang dakipin ang suspek ilang araw matapos maganap ang krimen.

Ayon kay Enrile, dinakip ang suspek base sa surveillance footage na malinaw na nag-uugnay dito sa kaso.

Maliban dito, sinabi ni Enrile na inamin din ng suspek na may partisipasyon siya sa krimen at may dalawa pa siyang kasabwat.

Gayunman, walang abogado ang suspek nang mangyari ang pag-amin.

Sa ngayon, may impormasyon na ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng dalawang kasabwat ng 17 anyos na suspek.

Read more...