Ayon sa Provincial Agriculture Office, Oktubre 2018 pa lamang ay nakaranas na nang bihirang pag-ulan sa lalawigan dahilan para matuyo ang mga palayan.
Labis na apektado ang bayan ng San Jose na isinailalim na sa state of calamity noong nakaraang buwan.
Sa datos ng Municipal Agriculturist office ng San jose, umabot sa P49 million ang halaga ng pinsala ng El Niño sa bayan sa mga taniman ng palay, sibuyas at iba pa.
Binibigyang tulong naman ng lokal na pamahalaan ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng libreng krudo para sa kanilang mga makinang ginagamit sa pagpapatubig.
MOST READ
LATEST STORIES