Produkto mula sa mga babaeng magsasaka mabibili sa DAR

Simula ngayong araw, March 25 hanggang sa Biyernes, March 29 mabibili sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga produkto mula sa mga babaeng magsasaka.

Ang programa ay tinaguriang “Pamilihang Bayan ng Kababaihang Agrarian” na bahagi ng pakikiisa ng DAR sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Hinikayat ng DAR ang publiko na tangkilikin ang mga ibinebentang produkto ng mga babaeng magsasaka.

Kabilang sa mga mabibili ay atchara, peanut butter, taro chips, banana chips, rice noodles, malunggay noodles, coco sugar, cacao, sariwang mga gulay, rice coffee at maraming iba pa.

Bukas ang pamilihan mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Read more...