Bata patay sa sunog sa Occidental Mindoro

Patay ang isang dalawang taong gulang na bata matapos masunog ang nasa 10 mga bahay sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Naganap ang sunog Linggo (Mar. 24) ng madaling araw na nagsimula sa isang upholstery shop sa Barangay Buenavista.

Mabilis na kumapat ang apoy at nadamay ang iba pang kalapit na mga bahay.

Ayon sa mga rumespondeng bumbero, sunog na sunog ang katawan ng batang biktima nang ma-recover nila ito.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na tumagal ng 3 oras bago tuluyang naapula.

Read more...