Alas 6:00 sana ng gabi ang umpisa ng campaign rally pero alas 9:00 ng ng gabi dumating ang pangulo.
Paliwanag ng pangulo, pumunta pa kasi siya sa birthday ng kanyang anak na si Paolo Duterte at nakipag-dinner doon.
Bumisita rin ang pangulo sa mga sugatang sundalo sa camp evangelista station hospital sa Cagayan De Oro at ginawaran sila ng ng medalya na Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan.
“Niadto ko sa birthday sakong anak, ( pumunta ako sa birthday ng aking anak) nanihapon unya lupad dayon ko ngari. (Nagdinner then lipad na papunta dito) Niagi pa ko sa kampo kay nag-pin ko og medal sa atong mga sundalong nasamdan. ( dumaan pa ako sa kampo kasi nag pin pa ako ng medal sa mga nasugatang sundalo) Agi og paghatag og honor ug suporta kanila. ( nagbigay ng honor at pag suporta sa kanila),” paliwanag ng pangulo.