Mga sinibak na opisyal ng gobyerno dahil sa korupsyon pinaiimbestigahan at pinakakasuhan ni Pang. Duterte sa Ombudsman

Personal nang kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of the Ombudsman para paimbestigahan ang mga nasibak na opisyal sa gobyerno dahil sa isyu ng korupsyon.

Sa talumpati ng pangulo Linggo (Mar. 24) sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan De Oro, sinabi nito na kapag natapos na ang imbestigasyon, dapat nang kasuhan ang mga nararapat na kasuhan.

Utos ng pangulo sa Ombudsman, lahat ng nasibak na opisyal ay dapat na imbestigahan at kasuhan.

Una nang sinibak ni Pangulong Duterte sina dating DILG Secretary Mike Sueno, dating Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago, dating CHED Chairperson Patricia Licuanan, at dating PCUP Chairman Terry Tidon dahil sa kwestyunable at madalas na pagbiyahe sa abroad.

“Unya tinuod pud. (Totoo yan) Naa gyuy corruption. (May corruption) And these are all — ako mismo nag-ingon sa Ombudsman, ( ako mismo ang nagsabi sa ombudsman) “Imbestigahan na unya file the charges.” (Imbestigahan and file charges) Sa tanan Cabinet members na akong ma… ( sa lahat ng cabinet members na aking ma) Filean (file) nako’g kaso.(file-lan ko ng kaso),” ayon sa pangulo.

Read more...