PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Mar. 25

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Mayroong naka-schedule na power service interruption ngayong araw ang Meralco sa Quezon City, Valenzuela, Bacoor at Laguna.

Sa abiso ng Meralco, sa Cubao at Project 4 Quezon City, mawawalan ng kuryente sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas araw ng Martes.

Apektado nito ang Bgy. San Roque sa Cubao at mga barangay Masagana, Tagumpay, Bagumbuhay, Villa Maria Clara, Milagrosa, at Marilag sa Project 4.

Sa Valenzuela City naman, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga mamaya hanggang alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng
Bgy. Lawang Bato.

Sa Bacoor City sa Cavite, sa pagitan ng alas 11:30 ng gabi mamaya at alas 4:30 ng madaling araw bukas ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng mga barangay Niog I hanggang III.

Gayundin ang mga barangay Ligas II, Niog II at III, Panapaan IV at City proper.

Sa Calamba City sa Laguna naman, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ay mawawalan ng suplay ng kuryente sa bahagi ng Bgy. Ulango.

Read more...