PNP hinigpitan ang seguridad laban sa NPA

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa mga posibleng pag-atake ng New People’s Army.

Ito ay makaraang permanente nang ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan laban sa komunistrang grupo.

Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac, inalerto ang mga police commanders dahil inaasahang maglulunsad ang mga komunista ng mga pag-atake matapos ang desisyon ng pangulo.

Sinabi ng pangulo sa mga rebelde na sa susunod na presidente na lamang makipag-usap.

Dahil dito, ayon kay Banac, inutusan ang police officers na magpatupad ng kaukulang hakbang sakaling may mga pag-atakeng inilunsad.

Patuloy din ang ginagawang pagbabantay ng pambansang pulisya sa mga teroristang grupo kabilang ang Abu Sayyaf.

Ayon kay Banac, lahat ng mga grupong ito ay bansa sa pambansang seguridad kaya’t hinihigpitan ang security measures.

Sinabi naman ng police official na ang mga rebelde na nais sumuko ay tatanggapin ng gobyerno anumang oras.

Handa anya ang PNP sa localized peace taks sa mga rebelde.

Read more...