3rd concert ni Lauv sa Pilipinas, sold-out na

Dahil sa malaking demand, isang seating section pa ng Araneta Coliseum ang bubuksan para sa ikatlong concert ng singer-songwriter na si Lauv sa Pilipinas.

Sold-out na ang tickets para sa concert ni Lauv sa May 20, dahilan para magdagdag ng Upper Box seats ayon sa Ovation Productions.

Matapos ang Manila concert, agad na lilipad ang 24-anyos na performer sa Cebu sa May 21 para naman magtanghal sa Waterfront Hotel and Casino.

Si Lauv na Ari Staprans Leff sa tunay na buhay ay ang nasa likod ng hits na “I Like Me Better”, “Enemies,” at “Paris in the Rain”.

Unang nagtanghal ang singer sa bansa noong 2017 sa mga mall shows at naging bahagi rin ito ng isang music festival noong 2018.

Read more...