M3.1 na lindol naitala sa Ilocos Sur

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Ilocos Sur alas-2:27 ng madaling araw ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 24 kilometro Timog-Kanluran ng Santa Catalina.

May lalim na 11 kilometro ang pagyanig at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks bunsod nito.

Read more...