Veneration sa isang imahen sa Mexico pinahihinto ng Simbahan

AP photo

Muling ipinanawagan ni Archbishop John Wester na itigil ng mga Katoliko sa Mexico ang pagpipitagan o veneration sa isang skeleton folk saint na kilala sa tawag na La Santa Muerte o ‘Our Lady of Holy Death.’

Ito ay dahil marami ang nag-aakala na ang naturang imahen na tila larawan ni kamatayan ay isang imahen ng santo ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Wester, ang debosyon sa Santa Muerte na nakatuon sa kamatayan ay labag sa katuruan ng Simbahan.

Iginiit ng arsobispo na ang pananampalataya dapat ng mga Kristiyano-Katoliko ay dapat na nakasentro sa Diyos ng buhay.

Sikat ang La Santa Muerte sa ilang bahagi ng Mexico at minsan ay naiuugnay ito sa mga drug cartels.

Marami ang may imahen ng La Santa Muerte kabilang ang immigrant small-business owners, artists, at gay activists na karamihan ay hindi Latino at hindi miyembro ng isang organisadong relihiyon.

Ang imahen ay naglalarawan sa isang kalansay na may kasuotang pang-madre na kulay itim at may hawak na karit na simbolo ni kamatayan.

Bukod kay Wester noong 2017 ay nauna nang binatikos nina El Paso Bishop Mark Seitz at San Angelo Bishop Michael Sis ang debosyon sa naturang folk saint.

Ani Sis, ‘spiritually dangerous’ ang pagpipitagan sa La Santa Muerte at wala itong kaugnayan sa Katolisismo.

Read more...