Suplay ng tubig para sa irigasyon sa Bulacan at Pampanga, tiniyak ng NIA

Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) na sapat ang suplay ng tubig para sa mga sakahan sa Bulacan at ilang parte ng Pampanga.

Ito ay sa kabila ng nararanasang tagtuyot at krisis sa tubig sa Metro Manila at ilang bayan sa Rizal.

Ayon Eliseo Bitangcol, NIA press relation officer sa Central Luzon, mabibigay ang ahensya ng tubig sa mga magsasaka para sa irigasyon sa mga pananim hanggang May 15.

Wala aniyang nakikitang problema sa irigasyon hanggang maani ang mga palay.

Manggaling ang suplay ng tubig para sa dalawang probinsya sa Angat Dam.

Read more...