FDA, nagbabala vs hindi rehistradong food supplements

Nagbigay-babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili ng mga hindi rehistradong food supplement sa merkado.

Ayon sa FDA, hindi ligtas gamitin ang mga sumusunod na produkto:
– Nitrex Research Lipo-6 Black Hers Ultra Concentrate dietary supplement
– Dok Apo Pro Kidney Herbal Capsules
– Lumi Glutathione Dietary Supplement

Sinabi ng ahensya na hindi dumaan sa verification process at safety procedure ang mga produkto.

Dahil dito, binalaan ng FDA ang mga nagbebenta nito na maari silang makasuhan.

Read more...