Sa isang panayam, sinabi ni Bureau of Local Emploment Director Dominique Tutay na maaaring mag-apply ng trabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Ito ay isang employment program para sa mga estudyante sa high school technical o vocational at kolehiyo.
Magsisimula aniya ito sa buwan ng Abril at tatagal ang employment nang 20 hanggang 52 araw.
Ayon kay Tutay, makatutulong ang summer job para maagang magkaroon ng karanasan sa trabaho.
Sa mga nais mag-apply, maaring bumisita sa pinakamalapit na Public Employment Service Office (PESO) at magdala ng kopya ng NSO birth certificate, pinakahuling report card, 2×2 ID picture at certificate of indigence mula sa kanilang barangay offices.