Comelec, pinatatanggal ang Malasakit posters na may mukha at pangalan ni Bong Go

Pinatatanggal na ng Commission on Elections (Comelec) sa Department of Health (DOH) ang lahat ng Malasakit Center posters na may mukha at pangalan ni Senatorial aspirant Christopher “Bong” Go.

Ayon sa Twitter account ni Comelec commissioner Rowena Guanzon, ipinaabot na niya ang kanyang request sa DOH.

Nakakalat ang mga tarpaulin ng Malasakit Center sa mga pampublikong ospital sa buong bansa.

Pinatatanggal din ni Guanzon ang malaking tarpaulin ni Senatorial aspirant Florin Hilbay sa bahagi ng Pampanga.

Pakiusap ni Guanzon sa publiko, magsumite ng written complaint sa Comelec kapag may nakikitang vote buying, illegal posters o iba pang uri ng paglabag sa election code ang mga kandidato.

Read more...