De Lima, hinamon si Duterte na sibakin si Cam bilang PCSO board member

Hinahamon ni Senador Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.

Ito ay dahil sa iniimbestigahan si Cam ng pagkakamal ng P500 milyong halaga ng mga ari-arian.

Ayon kay De Lima, kaduda-duda na galing sa korupsyon ang mga ari-arian ni Cam.

Base sa reklamo ni Lino Espinosa Lim Jr. sa Office of the Ombudsman, pag-aari ni Cam ang Zandra’s Beach Resort and Convention Center sa Masbate na nagkakahalaga ng P500 milyon.

Read more...