Aprubado na sa komite level sa Kamara ang pagdedeklara sa July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day.
Nabatid na noon pang nakaraang buwan, inaprubahan ni House Committee on Revision Chairman Marlyn Primicias Agabas ang House bill 8966 na nagdedeklara ng July 12 bilang national holiday.
Sa ilalim ng panukala, dapat ipagdiwang ng Pilipinas ang naturang petsa dahil sa pagkakapanalo ng bansa sa permanent court of arbitration sa The Hague, Netherlands noong 2016 kaugnay sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Bagamat noon pang 2016 nanalo ang Pilipinas kontra sa China, hindi pa iginigiiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea sa pangambang masira ang magandang relasyon ng dalawang bansa.
MOST READ
LATEST STORIES