North Maluku province, Indonesia niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Photo credit: Google maps

Tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa North Maluku province sa Silangang bahagi ng Indonesia, araw ng Linggo.

Sa datos ng US Geological Survey, namataan ang lindol sa layong 150 kilometers northwest ng Ternate at may lalim na 37 kilometers.

Ayon kay Rahmat Triyono, pinuno ng Indonesian weather agency na BKMG earthquake and tsunami division, inaalam pa ang naging epekto ng lindol sa lugar.

Sa ngayon, wala pa aniyang napaulat na nasawi o nasugatang residente sa lugar.

Wala ring pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala namang inilabas na tsunami warning sa lugar matapos ang pagyanig.

Read more...