Binatilyo patay, 4 pang katao sugatan sa aksidente sa Quezon

Patay ang 15 anyos na binatilyo at sugatan ang apat pang katao matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Tagkawayan sa probinsya ng Quezon, Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, sumalpok ang motorsiklo na minamaneho ni CJ Magbuhos sa isang kasalubong na tricycle matapos nitong sakupin ang kabilang lane ng kalsada bandang 8:30 ng gabi.

Kritikal ang mga natamong sugat ni Magbuhos at dinala sa Ma. L. Eleazar Memorial District Hospital ngunit binawian ito ng buhay bago pa makarating ng ospital.

Kinilala naman ang driver ng tricycle na si Fidel Waren Ricafort. Ang tatlong pasahero ng tricycle kasama na si Ricafort ay nagtamo ng mga sugat at dinala sa ospital.

 

Read more...