PNP handa sa usapang pangkapayapaan

Handa ang Philippine National Police (PNP) sa mga usapang pangkapayapaan sa mga militanteng grupo.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP spokesperson Police General Bernard Banac na nananatili silang alerto sa mga possibleng pagbabanta sa seguridad kabila ng pagiging bukas nila sa negosasyon sa mga nasabing grupo.

Dagdag pa ni Banac, bukas din umano sila kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may nais sumuko sa grupo pati na ang mga lider ng New People’s Army (NPA).

Matatandaang tuluyang pinutol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga usapang pangkapayapaan noong March 18.

Read more...