Ayon sa impormasyong mula sa Quezon City Police, mahigit 10,000 katao ang nakilahok sa unity ride na kumain ng tatlong northbound lanes sa bahagi ng EDSA-White Plains.
Giit ng mga motorcycle riders, hindi nila sinasang-ayunan ang batas dahil delikado ang pagkakabit ng malaking plaka lalo na sa harapan ng motorsiklo na maaring magdulot ng aksidente.
Bukod dito, kailangan pa umanong ng mas masusing pag-aaral sa disenyo ng magiging plaka dahil iba’t iba rin istraktura ng bawat motorsiklo.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act na nagmamandato sa Land Transporation Office (LTO) na mag-isyu sa mga motorsiklo ng mas malaki, mas nababasa, at color-coded na plaka.