Ayon kay Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario, magiging mas mainit sa mga susunod na araw dahil walang mag-aabsorb ng mating init ng araw.
Pinaka-mainit anya mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.
Ito anya ang peak hours kaya mas mabuti kung wala sa labas pero kung hindi maiwasan ay dapat na may panangga sa init ng araw.
Hinikayat din ng Pagasa ang mga mamamayan na manatiling hydrated para maiwasan ang heat stress lalo na ang heat stroke kung kailan matinding init ang naabsorb ng katawan.
Paliwanag ni Ordinario, kapag sobra ang init ng katawan ay hindi na ito kayang iregulate ng dugo.
Pwede anyang mahilo o pinakamalala ang heat stroke kaya kailangan ang palaging pag-inom ng tubig lalo na kung nasa labas.