TNT wagi kontra Columbian, patuloy na umaabante tungo sa ikalawang pwesto

Malapit nang maabot ng TNT Katropa ang ikalawang pwesto sa nagpapatuloy na 2019 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos talunin ng koponan ang Columbian sa iskor na 101-98 sa kanilang laban kagabi sa Ynares Center.

Ayon kay KaTropa Coach Bong Ravena, alam nila kung gaano kaimportante ang kanilang huling dalawang laban dahilan para ipagpatuloy nila ang kanilang plano.

Unang bahagi pa lang ng laro ay lamang na ang TNT ngunit nagawa ng Dyip na pababain ito sa tatlong puntos sa huling 48 segundo ng laro.

Gayunman, bigo ang koponan na madala sa overtime ang laro.

Dahil sa panalo, umabante ang Katropa sa kartadang 7-3 at ngayon ay malapit na sa ikalawang pwesto.

Nanguna para sa Katropa si Jayson Castro na nagtala ng 20 points habang pinangunahan ni CJ Perez ang Dyip sa kanyang 22 points.

Read more...