Layon ng direktiba ni Piñol na maiwasan na makinabang ang cartel kung saan pinupwersa nila ang pagbagsak ng buying price ng lokal na sibuyas sa pamamagitan ng pagpapasara ng cold storage facilities na pinauupahan sa mga magsasaka.
Pinaiimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) sa PCC at NBI ang ulat na ipinasara ng trading companies ang apat na pangunahing cold storage facilities para mapwersa ang mga magsasaka na magbenta ng sibuyas sa bagsak presyo.
Dapat ay pinagsasama ng mga traders ang lokal na produksyon habang hinihintay na payagan silang makapag-import.
Dahil sa mababang halaga ng sibuyas, maaaring kontrolin ng mga traders ang presyo ng sibuyas sa mga palengke at kumita ng malaki.
Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng mga grupo ng mga magsasaka at importers, ang pag-aangkat ng sibuyas ay maaari lamang gawin matapos ang pag-ani ng lokal na sibuyas.