BPI magsasagawa ng major systems upgrade

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang kanilang isasagawang major systems upgrade mula alas-10:000 ng gabi Biyernes, April 5 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Linggo, April 7.

Sa kanilang advisory, sinabi ng BPI na ang systems upgrade ay upang mas mapaganda pa ang banking experience ng kanilang customers.

Bunsod ng naturang aktibidad, hindi magagamit ang online banking, mobile app, Bizlink platforms, ATMs at CAMs maging ang kanilang Debit at Prepaid Card services.

Bukas naman ang ilang branches ng BPI sa April 6 at 7 para i-accommodate ang kinakailangang serbisyo ng kanilang mga customers.

Read more...