Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P1.8 bilyong halaga ng shabu sa Manila International Container Port (MICP) araw ng Biyernes.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa 276 balot ng tsaa na naglalaman ng 1 kilong shabu na shipment mula Vietnam ang nasabat sa MICP sa Maynila
Sa press conference Biyernes ng gabi ay sinabi ni Aquino na ang pagkarekober ng shabu sa MICP ay kasunod ng buy bust operation sa Ho Chi Minh City sa Vietnam.
Sa natura anyang operasyon ay naaresto ang 11 suspects kabilang ang 8 Chinese nationals.
Nabatid na ginagamit ang isang textile business na front ng drug operation sa nasabing bansa.
Alas 2:00 ng umaga kanina ay nakatanggap ng impormasyon ang PDEA mula sa kanilang counterparts sa Vietnam ukol sa naturang operasyon.
Nag-tip anya ang Vietnamese authorities sa Pilipinas kaugnay ng shipment.
Ayon pa kay Aquino, ang shabu na nakuha sa Vietnam ay pareho sa package na nasamsam sa MICP.