Dating Maguindanao Governor Ampatuan, ipinakulong ng Sandiganbayan

Ipinakulong ng Sandiganbayan si dating Maguindanao governor Sajid Ampatunan sa kasong graft, falsification, and malversation of public funds.

Kaugnay ito ng maanomalyang paggamit ng pondo sa pagbili ng materyales para sa isang school rehabilitation project noong 2012.

Bukod kay Ampatuan, napatunayan ring guilty si Datu Ali Abpu sa kasong graft at malservation.

Mahaharap si Ampatuan sa walo hanggang labing-dalawang taong pagkakabilanggo sa kasong graft; anim na buwan hanggang walang taon para sa each count ng 63 counts ng falsification; at reclusion perpetua o apat na pung taon para sa malversation.

Pinagbabayad rin ng korte ang ang dalawa para sa “malversed amount” na P35,740,493.

Si Ampatuan ay sinampahan ng 10 pang ibang counts ng falsification at habang si Apbi naman ay lahat ng 73 counts ng falsification.

Pagkaraang basahin ng korte ang desisyon, pinagbigyan rin ang hiling ni ampatuan na makapagpyansa ng 1.58 million pesos.

Read more...