Tatlong tulak ng droga, arestado sa buy-bust operation sa isang shopping mall sa QC

Kuha ni Clarize Austria

Nahuli ang tatlong notoryus na tulak ng droga sa isang joint-buy bust operation na isinagawa ng Kamuning at Masambong Police at PDEA sa isang shopping mall sa Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek na ang labing isang pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at buy-bust money na dalawang libong piso.

Ayon kay Superintendent Louisse Bejie Tremor, hepe ng QCPD station 10, nasa limang gramo ang nakuhang droga at nagkakahalaga ng mahigit kumulang tatlumpung libong piso.

Isang taon ding minanmanan ng pulisya ang grupo, lalo na si Randy Bautista ng Barangay Pinyahan at isang kasama nito na taga-Project 8 sa Quezon City pa rin.

Dagdag pa ni Tremor malaki umano ang epekto nito dahil nabawasan ang malaking pusher sa kanilang lugar pati sa Kamuning, Kamias hanggang sa Morato area umano ng pinagbabagsakan ng suspek.

Dagdag pa ni tremor, palipat-lipat rin ang grupo ni Randy at nahuli na rin ang iba nitong kasamahan.

Itinanggi naman ni Randy na hindi sa kanya ang droga at nasangkot lamang siya dahil sa dati niyang girlfriend.

Read more...