Pampasaherong bus, nagliyab sa EDSA

Contributed by Kabie Aenlle

Nagliyab ang isang pampasaherong bus na biyaheng Malinta-Alabang sa may Shaw tunnel sa Northbound lane ng Edsa, Biyernes ng gabi.

Nagsimula ang pagkasunog na bus Ala-6:10 at naideklara na fire-out ng BFP alas-7:20 ng gabi.

Ang bus ay pagmamay-ari ng Valenzuela transport cooperative services o VTCS at may plakang TXX 274.

Wala namang naitalang nasugatan at nakababa naman ang lahat ng pasahero kasama ang driver na si Judan C. Retuela.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi sunog.

WATCH:

Read more...