Hindi bababa sa 4 na bahay tinupok ng apoy sa North Fairview, QC

Kuha ni Clarize Austria

Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa apat na bahay sa 42 Bayer Street sa Barangay North Fairview sa Quezon City.

Alas-3:48 ng hapon itinaas sa ikatlong alarma ang sunog kung saan hindi bababa sa sampung fire truck ang rumesponde.

Ayon sa BFP-QC, sumiklab umano ang sunog alas-3:30 ng hapon na nagsimula sa ikalawang palapag ng isang Soraya Labay.

Under investigation pa rin ang sanhi ng sunog ngunit tinitignan nila ang anggulo na electrical failure.

Hindi naman bababa sa apat na pamilya ang nawalan ng tahanan.

Pansamantala munang mananatili ang mga residente sa evacuation center sa barangay.

Idineklara ng BFP na fire out ang insidente kaninang alas-4:25 ng hapon.

Read more...