99 percent ng Pasig City may suplay na ng tubig

By Jong Manlapaz March 22, 2019 - 12:52 PM

Tiniyak ng Manila Water na may suplay na ng tubig sa 99 percent na bahagi ng Pasig City.

Ayon kay Melai Paraiso, Pasig Area Business Manager ng Manila Water, may mga lugar sa Pasig na 12 oras na may tubig at 12 oras ang mawawalan ng tubig.

Habang nasa 1,000 household naman sa Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan at 100 na bahay sa Kawilihan, Brgy. Bagong Ilog ang pahirapan pa rin ng suplay ng tubig dahil sa mataas ang lugar.

Sinabi naman ni Richie Angeles ang DRRMO chief ng Pasig, may sapat na suplay na tubig na rin ang mga mataas na building sa Pasig gaya ng condominium.

Nabawasan na rin ng 50 percent ang pagrarasyon nila ng tubig sa pamamagitan ng tanker ng LGU.

Umapela naman ang Manila Water at Pasig City sa mga constituent nito na magtipid ng tubig.

TAGS: pasig, Radyo Inquirer, Water supply, pasig, Radyo Inquirer, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.